It'll always be you.




Marie Evangeline Garcia
Tawag nila sakin, Geline, Eva, Gelay, Gel.
19 yrs of age.
Half Filipino | Half American.
Studyante - nag-aaral mabuti. :))
May boyfriend ako, at siya ang dahilan kung bakit may ningning ang mga mata ko, at kung bakit ako laging nakangiti. :"> <3

Sa kabuuan, wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. UNLESS, pamilya kita, kaibigan, at importante ka sakin at sa taong mahal ko.

Bakit ako may account sa TUMBLR? Wala lang. Mahilig ako magsulat. Mahilig ako kumuha ng pictures. Mahilig ako bumanat, haha. At mas gusto kong may online diary. Mas nailalabas ko ang sama ng loob ko at gustong gusto ko i-share sa buong mundo kapag sobrang saya ko.

Gagawin ko ang lahat para makuha ko ang lahat ng gusto ko. Gusto ko magkaron ng good-paying job kaya eto ako, balik eskwela at magsusumikap para makuha ang mga bagay na gusto ko. At para mabigay ang lahat sa magiging pamilya at anak ko. :)


Yun lang. O siya, dyan ka na. Salamat sa pagbisita ng blog ko. Kaya ka andito, either kaibigan kita, follower kita dito sa tumblr or may galit ka sakin. Kaya nakiki-update ka sa buhay ko. :))
Transparent ako sa buhay ko. What you see is what you get.
Kilala ko kung sino ang tunay kong kaibigan at kilala ko kung sino yung mga taong andyan lang kapag kailangan ako. Masakit mang isipin pero may mga tao talagang ganun.
Ingat ka! :*
Posts I Like
Posts tagged "sabaw"

Ang sarap maglasing.

Namiss ko dash ko. Pero bakit ganito na? =)) Nagulat ako, iba na. :/ I freakin want the old dashboard back.

It’s June 9.

Apat na tulog na lang, pasukan na. Hindi ako excited pumasok. Excited lang ako magsuot nung bagong uniform. Formal attire eh. :) Long sleeves, may blazer, tie, skirt, black stockings tsaka yung sapatos na may heels. Bago lang sakin lahat. Haha. Office type ako ngayon. Kelangan lagi nakapustura, naka make up, presentable. Ala concierge ba.

Dati kasi nasa medical field ako. Haha. White polo, white slacks, then naging blue polo and blue slacks tapos bawal mag heels - bawal ang make-up.

Tapos ngayon, ayan. Bago na naman. Kelan ba ko matatahimik sa course na pipiliin ko? Sana tama na ‘tong napili ko. Kung hindi, edi sige, shift ulit. Hanggang sa mahanap ko yung makakapagpasaya sakin. Ganun lang naman ang buhay eh diba. Kapag hindi ka masaya, what’s the point of staying?

Pero kung nahihirapan ka lang, tanga ka kung igigive up mo ang isang bagay dahil sa nahihirapan ka lang. Malay mo, kelangan mo lang magsumikap para sumaya ka. :) Hirap talaga mag decide. Kailangan certain ka sa lahat ng nararamdaman mo. Pinakamasakit kasi, yung magsisisi ka. Yung magkakaron ka ng "what ifs" sa isip mo.

"What if tinuloy ko yung course na yun, may trabaho na kaya ko?"

"What if pinaglaban ko siya dati, kami parin kaya hanggang ngayon?"

Mga tipong ganyan. O ayan, tumutulo na naman ang ulan. Maliligo muna ‘ko. :)

Bata : Ate, may kendi po kayong tag-pipiso?

Tindera : Meron.

Bata : Magkano po?

=))

Girl : I-promise mo sakin na wala ka ng ibang babae na mamahalin after me.

Boy : Di ko matutupad yan.

Girl : So, ibig sabihin hindi pa pala ako ang gusto mo maging last? ;(

Boy : Syempre. Yung susunod na babaeng mamahalin ko, kamukha mo pa tapos tatawagin ka niyang … MOMMY.. :)